April 16, 2006

Mga Dahilan Kung Bakit Single Ka Pa Rin

Hayaan mo tulungan kita mag-isip kung bakit wala ka pa ring (bf/gf~partner) hanggang ngayon. Ito ang sampung dahilan bakit wala pa.

1. Kailangan mong mag-concentrate sa career. Hindi na uso ang mga
babaeng pambahay ngayon. Kalimitan meron ng tinatawag na career. Habang
hindi ka pa tinatamaan ng palaso ni kupido, hamo na munang
magconcentrate ka sa trabaho mo. Kailangan mong ma-achieve ang full
potential mo.

2. Masyadong mataas ang standards mo. Ibaba mo kasi ng konti,
baka naman kahit si Rizal hindi ma-achieve yung standards mo. Tandaan mo,
si Rizal kahit na bayani medyo babaero din. Walang taong perpekto.
Kahit naman ikaw di ba? Meron ka ding kapintasan? Baba mo ng konti,
yung makatarungang pamantayan lang. Baka naman naghahanap ka ng Brad Pitt eh
di ka naman si Jennifer Aniston. Lumagay ka lang sa dapat mong
kalagyan. Baka naman naghahanap ka ng kasing yaman ni Zobel eh ikaw naman eh
pobre din lang naman. Huwag. Huwag ganoon. Para kang g**o non. Baka
naman naghahanap ka ng smart, na gwapong, mayaman. Ate, kung ganon ang hanap
mo, malamang tatandang dalaga ka na talaga. Di lahat binibigay ni Lord.
Di bale kung salat sa face value, babawi na lang siguro yung sa bait at
sa talino.Kung puro face value naman, at salat sa kaalaman or masama
ang ugali, manalig ka na lang na baka pag pinakain mo ng gulay tumalino
or ito the best, lahat naman ng tao nagbabago. Pwede pa 'yan bumait.

3. Hindi ka lumalabas ng bahay. O baka lumalabas ka nga ng bahay,
sa opisina lang naman ang punta mo. Huwag ganon. Sumama ka sa mga
kaibigan mo, mag-mall ka, magsimba ka, mag-outreach program ka. Huwag
mong panisin ang sarili mo sa bahay dahil wala talagang makakapansin sa iyo
sa bahay. Mag-aral ka ng painting, voice lessons at Yoga. Imaginin mo
kung magka-boyfriend ka na Yoga master? or di kaya, chef. O di ba cool
'yun? Magliwaliw ka sa bookstores, sa coffee shops, at kung saan-saan
pang mataong lugar. Baka sakali mapansin ka doon.

4. Baka naman sobrang tapang mo. Oo nga naman, baka naman sobrang
masungit ka at natatakot sa iyo ang mga potential suitors mo. Baka
dapat kang maging approachable ng konti. Baka masyadong maangas ang dating mo
imbis na matuwa sa iyo matakot. Baka sobrang independent mo, at parang
mabubuhay ka ng wala silang lahat. Minsan may epekto rin 'yan. Baka
sobrang talino ng dating mo pakiramdam nila mababara lang sila or baka
'pag pinadalhan ka ng love letter eh i-edit mo ng red ink pen.
Magkunwari ka kayang t**** minsan-minsan, tingin mo?

5. Baka naman kasi losyang ka. Oo nga naman, mag-ayos ka
paminsan-minsan kay lang kung pangit ka, pangit ka talaga. No amount of
make up can change that. Pero at least pwede ma-enhanceng konti.

6. Baka naman hinahanapan pa ni Lord ng ribbon ang para sa iyo.
Natatandaan ko ang sabi ng kaibigan ko. Blessing daw from the Lord ang
mga girlfriends/boyfriends. O eh baka naman hinahanapan pa ni Lord ng
magandang ribbon yung regalo mo. Kasi baka daw 'pag hinarap ang
packaging i-reject mo.

7. Baka naman nagtitipid sa toll fee yung para sa iyo. Malay mo
kasi taga-Norte yung para sa iyo eh mahal naman ang toll fee. Baka
nagtitipid dumaan sa walang t oll kaya medyo natatagalan. -

8. Baka naglakad yung para sa iyo. Parating na 'yon kaya lang
mahal ang gasolina so naglakad na lang papunta sa iyo. Besides, walking
is good for the heart daw. Baka sa kakalakad naligaw na. Ito pa namang mga
lalaking ito, hindi magtatanong kung hindi pakiramdam nila naliligaw na
sila.

9. Baka naman sadyang torpe lang yung para sa iyo. Baka naman
nag-iipon pa ng lakas ng loob o di kaya nag-iisip pa ng magandang
tiyempo. Baka talagang hindi lang siya makapag-salita dahil sobrang mahiyain
niya. Baka naman dapat makiramdam ka rin ng konti kasi talagang deadma
ang dating nito. Baka dapat tinatanong ng unti-unti.

10. Baka naman talagang for single blessedness ka. Ipagdasal mo.
Baka naman kasi pinapagod mo ang sarili mong kakaisip bakit you're
still single eh hin di naman kasi marriage ang plan ni Lord for you.
Paminsan-minsan magtanong ka kasi sa Kanya baka naman ikaw ang
naliligaw. Baka naman ikaw ang nagtitipid. Baka naman kasi ikaw ang torpe. Baka
naman kasi ikaw ang problema.

Gasgas man, pero sasabihin ko pa rin. Darating Din Yun. Kung para sa
iyo, para sa iyo. Kahit iwasan mo, para talaga sa iyo.

-->natamaan aq ah!!..neweiz i'll try 2 make it up in my attitude ayt!! hapi p din khit dming problem..but i'll not allow myself 2 carried by those **c*ing problems hai!! how i wish n magbalik ulit yng dati..kaya q 2!!


may ur mighty will be done oh GOD in my lyf! for all the GLORY BE YOURS!!

No comments: