April 15, 2008

Meet ian....

Meet ian....

i just want to post this (assignment niya..)so for me to be reminded of him always...hahahhah...

Autobiography:

Ako’y ipinanganak sa isang masaya at maaraw na Marso noong Ika labing apat ng nasabing buwan. Ako ay ipinanganak sa Cavite, at kasalaukuyang nakatira sa Paranaque. Nag-aaral ako ngayon ng export management sa De la Salle College of Saint Benilde. Nakatira ako sa bahay kasama ang aking tatay, at dalawang kapatid. Nung ako ay ipinanganak, tuwang tuwa ang lola ko, ako kasi ang una niyang apo. Ang lola ko ay napakalambing na tao at laging nilulutuan ako ng mga masasarap na putahe. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko siya kahit yumao na.

Sino ako sa Buhay

Ang pangalan ko ay si Ian Marlowe D. Novido, iyan ang pangalang ibinasbas sa akin ng mga magulang ko. Nagsimula ako mag-aral noong ako’y apat na taong gulang pa lamang sa Think and Try kindergarten. Nanalo ako ng premyo sa pagiging magaling sa pagdrawing. Nagtapos ako sa Don Bosco Makati Technical Institute nung high skul at elementarya. Nanalo ako ng conduct award at academic and technical excellence sa loob ng aking baiting sa paaralan. Lagi akong nasa honor list ng aking mga baiting hanggang nagkaroon ako ng problema sa pamilya nung 3rd year high skul ako. Ako ay kasalakuyang 1st year transferee student sa DLS-CSB. Plano kong tapusin ang aking pag-aaral at magtrabaho pagkagradweyt. Plano ko ring kumuha ng Masters degree sa Business Administration sa hinaharap.

Ano ang Buhay para sa Akin

Ang buhay para sa akin ay ang aking mga pamilya at kaibigan particular ang aking kasintahang si Angelica. Ito rin ay ang mga problema at pagsubok na kailangan tahakin upang umasenso sa buhay. Ako ay sa kasalukuyang ay nasa masayang bahagi ng buhay. Katulad ng lahat ng mga estudyante sa kolehiyo, nagsisikap akong pumasa at makakuha ng matataas na marka sa kurso ko. May mga lubak sa daanan na dapat lampas an at iyon ang aking “motivation”. Meron akong mga kaibigan na kahit di ko na nakikita ay sumsuporta pa rin sa akin. Tulad ng pag mayroon akong kabiguan sa araw, meron akong makakausap tungkol dito. Pinapalipas ko ang oras sa paaralan pagkatapos ng mga klase ko sa pamamagitan ng pagidlip sa mga bakanteng upuan at pagtapos ng mga takdang-aralin. Pinipilit kong baguhin ang buhay ko para na rin sa aking mga kapamilya at sa sarili ko. Iniisip ko na ang buhay ng lahat ng tao ay may patutunguhan, kailangan ko nga lang gumalaw upang may kalalabasan ang aking pinaghirapan.

Ang Kalagayan ko sa Hinaharap

Sampung taon mula ngayon, ako ay naninirahan pa rin sa Pilipinas ngunit may mga negosyo or trabaho sa ibang bansa. Magiging matagumpay akong may-ari ng isang negosyo at nagbibigay trabaho sa mahigit kumulang 200 katao. Mabubuhay ako ng komportable sa kasalukuyan kong sitwasyon sapagkat asawa ko na si Angelica. Magtutulungan kami sa anomang problema at magkakaroon kami ng isang anak na nagngangalang Kyle. Isang henyo sa musika at siyensiya si Kyle at tinuturuang maging magaling na basketbolista kahit 3 taong gulang pa lamang siya. Si Anjhe ay mabait at magandang babae, na nakakadala at nagbibigay buhay sa aking pakiramdam. Kami ay habang buhay na magkakasama hanggang sa kami ay tinubuan na ng putting buhok.

Konklusyon

Gaya ng sinabi ko sa simula, ako ay ipinanganak sa Pilipinas at di pa nakakatapak sa ibang bansa. Gusto kong libutin ang mundo kasama ang mahal ko ngunit pansamantalang nag-aaral pa kami. Sana’y nasayahan kayo sa pagbasa ng aking maikling talambuhay tulad ng pagsulat nito sa mga babasa nito. Gawin niyong pundasyon ang inyong mga karanasan, humanap ng pangarap at tuparin. Habang may buhay, may pag-asa pa.


Ang Tangi kong Inspirasyon

Sampung buwan na kami magkatuwang, magkasalo sa aming gawain at pangangailangan. Isa siyang tunay na anghel, hulog ng langit. Nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko. Akala ko nga dati bago siya dumating ay ang mga anghel ay makikita lamang sa langit. Nagkamali ako, nandito siya, ang sarili kong Anghel na nagngangalang Angelica. Simula’t simula nung nagging girl friend ko siya ay nabago na niya ng tuluyan ang buhay ko. Ang Ian dati ay iba na sa Ian ngayon. Malaki ang naitulong niya sa buhay ko. Binago niya ang aking pananaw sa buhay. Ang paraan ng pamamalakad ko sa sarili kong buhay pati na rin ang pakikitungo ko sa ibang tao. Best friend ko siya, Masaya ako at nanatiling lubus-lubusang maligaya. Naghahanap na lamang ako ng paraan kung paano ko masusuklian ang mga ginawa niya para sa akin. Mahal ko siya, sobra pa sa sarili ko. Sana habang buhay na kami magkasama. Dahil mas gugustuhin ko na may anghel sa tabi ko at nagbabantay sa akin kahit na medyo makasarili ako sa ibang tao dahil sa pinagdaramot ko siya. Mahal na mahal ko talaga siya.

No comments: