Sala
Pumikit akong may luhang sumisilid sa aking mga mata. Patuloy itong dumadaloy habang akoy nakahikbi at tila manhid sa pag iisip lamang ng mga bagay bagay na akala ko’y tinapos ko na noon pa. Patuloy pa din ang daloy ng mga luha na tila ngayon lang tumulo sa aking mga mata. Lungkot, pagsisi, at panghihinayang ang aking nararamdaman. Ako ang may sala…
Bago ko ilahad ito, naaalala ko ang mga salitang aking binigkas noon. Isang eksena na noo’y baliwala lang , panandalian lang, ngunit sa isip isip ko ito’y tumatak at naging isang palaisipan.
Bago ko ilahad ito, naaalala ko ang mga salitang aking binigkas noon. Isang eksena na noo’y baliwala lang , panandalian lang, ngunit sa isip isip ko ito’y tumatak at naging isang palaisipan.
“I’m big enough and I’m liable with my actions! Whatever I do to my life I’m responsible to it” bulalas ko nang kami ng aking ina at kapatid ay nag uusap patungkol sa mga ikinikilos ko noong mga panahon na ako’y naging manhid. Manhid. Panandaliang patay sa mga nararamdaman ng mga tao sa aking paligid; sa aking pamilya.
Pinilit kong balikan ang mga pangyayari ngunit kalungkutan ang pumupukaw sa aking isipan marahil na di lingid sa akin ang mga saway at payo nila sa akin. Ngayon sa isip isip ko ako’y nagmistulang bulag sa sitwasyong aking kinalalagyan. Natatakot ako n dumating ang araw na iyon..araw na kung saan ako’y sising sisi..d ko lang alam kung paano, saan, at kailan…
ipagpapatuloy...
No comments:
Post a Comment